Friday, September 12, 2014

Pagiging Mabait: Nakakasama kapag sobra

And I'm back..but unfortunately, there will be no photo/s for this blog entry so reader's might find it boring unless some might finish reading it patiently. It's the thought that count sabi nga nila.hehe and by the way, the next lines will be in written in Tagalog so my apology for my foreign readers if there's any...hehe who knows? you can ask help from your Filipino friends to understand what I'm talking about. So to begin with...


Isa sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang at iba pang mga nakatatanda ay maging mabait, magpakabait at iwasang maging masama. Oo tama sila, pero may mga instances na, nakakasama daw ang pagiging mabait....hmmm kapag sumobra na. bakit kaya? Una, maraming tao ang Umaabuso sa kabaitan ng isang tao. Tumpak! Yan ang tamang salita, Abuso. Sa papaanong paraan ba naaabuso ang kabaitan ng isang tao? kung tutuusin, sa maraming paraan, sa maraming dahilan at sa maraming sitwasyon at pagkakataon, maaaring sa loob at labas ng bahay, sa eskwelahan, sa pamayanan at iba pa.


Madalas nating marinig ang mga linyang "masama din ang pagiging sobrang mabait" sa pelikula, sa litanya ng ibang tao, o maaaring sa sermon ng ilang mga taong nakapaligid sa atin. Okay, magbigay tayo ng mga common na scenario na madalas naman nating naeencounter na nagiging masama ang pagiging mabait dahil nga madalas maabuso.


* Sa isang grupo, mapabarkada man yan o kahit yung simpleng grupo sa mga school projects, etc. Una may isa dyan na aako ng mga gastusin sa lakad, pagkain etc. yun bang kung tawagin sa grupo ay "Human ATM" or "ATM ng barkada". Ang bait di ba? kaya sa sobrang bait niya, sa mga sumunod na mga lakad ng grupo siya pa din ang nagiging taya. Bigla na nga niyang nagiging obligasyon ang gastusan lahat ng lakad na meron sila. Okay naman yan, kung likas na mayaman or may stable na trabaho yung tao and kung masaya siya sa ginagawa niya. Eh yun na nga,kahit naman ganun, mahiya din naman sana yung iba, paano pala kung estudyante lang din siya at sa magulang pa umaasa ng panggastos? Pwede naman din mag kanya kanya kung minsan di ba?alin ka dun sa dalawa? yung mabait na naabuso? or yung nang-abuso sa kabaitan ng iba?


*Sa grupo pa rin. Nakatagpo na ba kayo ng isang magaling at mabait na Leader? yun tipong pag may kasalanang nagawa ang ilan sa mga kagrupo niya, aakuin niya ang kasalanan para maisalba sila. Wow instant bayani and savior. sana naman pag paulit ulit nang nangyayari yung ganyang sitwasyon, akuin naman na din ng taong may kasalanan. di ba tayo nahihiya kung mangyaring mapaparusahan ang mabait mong kasama sa kasalanang hindi niya naman ginawa?


Sa exams... Yan tayo eh, lahat tayo gustong pumasa. Pero aasa tayo sa mga kilala nating mababait, matalino at di alintana ang pagpapakopya. Hoy, nagpuyat yan matutunan lang lahat ng posibleng lumabas sa exam. May pa-Team work team work pang nalalaman eh iisa or dadalawang tao lang naman ang nag-eeffort, eh yung iba pag di pinakopya, nganga na? at sila pa ang galit kung sakali. subukan din kaya na magaral ng mabuti para masubukan din ang sariling kakayahan, malay mo madiskubre mong, mas magaling ka pa pala sa kinokopyahan mo, saka mas nakakapanatag ng loob yung kampante kang papasa ka dhil pinaghirapan mo kaysa sa kakaba kaba ka at alangan ang pagpasa dahil kumopya ka. Hindi ako kagalingan nung panahong ako'y nagaaral pa. Ako man ay naranasan ko rin ang kumpoya at magpakoya kaya alam ko ang pakiramdam na naghihintay ng resulta. mas magandang pinaghirapan kaysa umasa lagi sa matalino, masipag at mabait nating mga kaklase.


Sa isang Relasyon... Sa pagitan ng dalawang magkasintahan, may lilitaw at lilitaw dyan na sobrang bait or mas mabait kaysa sa kapareha kaya madalas naaabuso ang kabaitan nito sa lahat halos ng aspeto sa buhay. Yun lang mismong pagpaparamdam mo ng pagmamahal sa isang tao. Yun bang EFFORT na tinatawag nila. Hindi magiging maganda ang balanse ng isang relasyon na isa lang ang magwoworkout para dito. Isa pa, yung alam niyang mabait ka kaya sasamantalahin niya ito, gagawa ng kalokohan ng akala niyang makakalusot siya. sabi nga nila walang sikretong hindi nabubunyag. Yun ang problema sa sobrang bait na karelasyon, dahil sobrang bait niya, kahit alam na niyang nagloloko na ang kapareha, pagbibigyan pa niya ito ng pagkakataon, sa pagasang magbabago pa ito. "Everybody deserves a second chance nga naman daw" forgive and forget, pero paulit ulit na ginagawa, alam nang nagloloko pero sa sobrang bait, second chance ulit? ayan naging martir na. Sabi nga nila wag daw masyadong mabait, hwag masyado... magtira para sa sarili.


Sa trabaho. trabaho nga di ba? parehas kayong kikita, parehas kayong sasahod, kaya dapat lang pagpaguran nang naaayon sa ating natatanggap. Gawin mo ang trabaho mo at gagawin niya ang kanya. Division of Labor, division of work ika nga. pero ang nangyayari pati yung ibang mga gawain na ikaw dapat ang gagawa, siya na rin ang gumagawa. Ang bait di ba? eh kung sa kanya na rin kaya mapunta ang sahod na dapat ay para sayo. papayag ka ba?


ilan lamang yan sa mga sitwasyon na alam nating nangyayari sa araw araw na alam natin na tayo mismo makakapagpatunay na masama talaga ang pagiging sobrang bait.. Maaaring hindi lang natin nakikita at nalalaman yan; maaaring tayo mismo ay nakakaranas niyan, eh ang tanong, tayo ba yung taong naabuso ang kabaitan? or tayo ang umabuso sa sobrang bait ng isang tao?

No comments:

Post a Comment

Our Arayat Duty

Our Arayat Duty
This picture was taken at Dr. Emigdio C. Cruz Sr. Memorial Hospital at San Agustin, Arayat, Pampanga last August 23, 2009 while the members of Group 8a were conducting their OR/DR duty on the said institution.