Good day! Mas gusto ko itong i-post in Filipino language dahil mas mainam pagusapan itong post na ito in Tagalog. Agree ba kayo?hehehe Taglish pa rin naman, pero mas mag-dodominate ang tagalog dito, sigurado yun. Oh siya, simulan na natin?
Sa Post na ito, i-sheshare ko sa inyo ang mga moments na nagtrend ngayong taon. Wala akong ginamit na survey dito, walang statistics, walang percentage. Ang tanging basehan ko sa pagpili ng mga ito, ay kung paano ang mga ito ay, pinag-usapan sa TV, sa Radyo, sa loob at labas ng Internet at iba't ibang Social Media, at sa mga taong nakakasalamuha, nakakasalubong at nakakasama sa araw araw.
Eto na talaga, ang mga listahan ko ng Sampung mga Moments/Pangyayari na nag-Trend ngayong 2012.
10. Ang Magnum Craze
Ang Over priced na Ice Cream on stick na ito from Selecta ay may tatlong flavors nang ma-introduce sa Philippine Market. May Chocolate Truffle, Almond at Classic Flavors. Singkwenta pesos ito kung bibilhin mo sa mall, sa supermarket at sa iba pang ice cream stations. Hindi ba't napakamahal para sa isang typical na Ice Cream on Stick? 55 pesos pa ito kung sa mga convenience store ka bibili, tulad ng naranasan ko. Ang kinaibahan lang kasi ng Magnum Ice Cream sa ibang Ice Cream on stick, Ito ay nababalot ng Belgian Chocolate na sa tingin ko ay nagpamahal sa presyo nito.
Pero kahit mahal ang mga ito, ay pumatok ito sa masa. Sikat ka sa mga kwentuhan kapag nakatikim ka nitong pinagmamalaki na Magnum Ice Cream ng Selecta. Ang iba pa nga ay nagpost ng picture sa social media kasama ang ice cream na ito, pati ang stick nito ay kinukuhanan ng litrato kapag ubos na dahil sa markhang letrang M sa dulo ng stick, at ang wrapper, pruweba naki-isa ka rin sa Magnum Craze.
9. Mga Kalamidad na tumama sa Ating Bansa
Habagat
Isa lang sa kalamidad na tumama sa ilang lugar sa Luzon.. Ngunit, hindi ito kailanmang itinuring isang bagyo, dahil ang kalamidad na ito ang nagdala lamang ng malakas na ulan dulot ng hanging Habagat. Ngunit hwag basta bastahin ito, lahat ng makakabasa nito ay sasang-ayon na, mas matindi pa ang pinsalang hatid nito kumpara sa Bagyong Ondoy noong 2009. Mas doble ang pinsalang hatid nito, marami ang binaha ng husto, kahit ang mga lugar na hindi mo inaasahang bahain ay hindi nakalusot sa hagupit ng habagat.
Bagyong Pablo
Ngayong buwan lang na ito, sinalanta ng Bagyong Pablo ang ating mga kababayan sa Katimugang bahagi ng bansa. Sabi ng karamihan ay mas matindi pa ang dinulot na pinsala nito kumpara sa Bagyong Sendong noong nakaraang taon. Ang higit na tinamaan ng bagyong Pablo ay ang mga kababayan natin sa Compostela Valley at Davao na kung saan, itong bagyong ito ay kumitil ng mahigit isanlibo katao at may mga natatala pang nawawala.
Sa mga pagkakataong ito, nakakahanga ang tibay at determinasyon ng ating mga kababayan para bumangon sa nasapit na trahedya, gayundin hindi rin matatawaran ang pagtutulungan ng bawat isa kapag sumasapit ang mga ganitong kalamidad.
8. Ang Sabayang Paglulunsad ng mga Talent Search sa bansa, mula sa Tatlong malalaking Istasyon
Ngayong taon ay nasaksihan natin ang pagbubukas ng tatlong malalaking Talent search sa bansa na muling nagbigay ng oportunidad sa mga nangangarap pasukin ang mundo ng showbiz at ipamalas ang mga angking talento.
* X Factor Philippines (ABS-CBN)
Ang Unang Edisyon na na-franchise mula sa UK. Isang singing contest na nagbigay oportunidad sa mga singing hopefuls of all ages. Tama, of all ages, dahil ang age limit nito ay mula edad 16 pataas, na hinati sa apat na categories, Boys (16-25), Girls (16- 25), Over 25's (Girls and Boys) at Groups. Para sa una nitong season, itinanghal na kaunaunahang X Factor Grand Winner si KZ Tandingan na mula sa Digos City, Davao. 4 million pesos ang naiuwi niya bilang Grand Winner.
* Artista Academy (TV5)
Ito ang ikalawang paglulunsad ng nasabing istasyon ng isang Artista Search, matapos ang Star Factor nung mga nakaraang taon. Sinasabing isa ito sa pinakaengrandeng Artista Search sa lahat, dahil sa Malaking premyo na maiuuwi ng mga nanalo sa kompetisyon. Edad 16 - 22 na mga lalaki at babae ang mga nagsipag Audition sa nasabing palabas. Dumaan sa maraming pag-sasala ang mga aspirants hanggang sa 16 scholars na naglaban laban para sa titulong Best Actor at Best Actress. Itinanghal na kaunaunahang winners sina Sophie Albert at Vin Abrenica at naguwi ng tig-10 million na halaga ng mga papremyo kabilang na ang cash, condo unit at contract sa TV5.
*Protege: The Battle for the Big ARTISTA Break (GMA7)
Ito ang ikalawang season ng nasabing palabas, at di tulad sa naunang season, Artista Search ang pinakatema ng palabas dahil kung matatandaan natin na nung unang season, Singing contest ang labanan ng show. Hidi rin naman magpapahuli sa laki ng premyo ang ipinamigay ng show na ito sa mga itinanghal na winners dahil tig-6 million na halaga ng cash,kontrata at iba pa ang nakuha nina Jeric Gonzales at Thea Tolentino.
7. Ang Magandang Placement ng ating mga Pambato sa larangan ng Beauty Pageants
Pagkatapos ng matagumpay na laban nila Venus Raj, Shamcey Supsup at Gwen Ruais, mas naging maganda ang kapalaran ng ating mga kababayan na nag-represent sa ating bansa sa kanilang mga sinalihang mga Beauty Pageants ngayong taon. Bagamat may mga hindi pinalad masungkit ang titulo, wala namang umuwing nakanganga, dahil ang pinakamababang narating ng ilan, ay hanggang sa semifinals. Oh, hindi na masama diba? may ilan naman na halos muntik nang masungkit ang titulo, at may ilan din naman na hindi nagpatalo sa maraming nakalabang bansa, at naiuwi ang titulo sa sinalihang kompetisyon.
Semifinalists
*Queenierich Rehman: Miss World 2012 Top 15
*Nicole Shmitz: Miss International 2012 Top 15
Runners-up
*Elaine Kay Moll: Miss Supranational 2012 3rd Runner-up
*Stephany Stefanowitz: Miss Earth 1st Runner-up
*Andrew Wolff: Mr. World 2012 1st Runner-up
*Janine Tugonon: Ms. Universe 2012 1st Runner-up
TITLE HOLDERS
*Kevin Balot: Ms. International Queen 2012
*June Macasaet: Manhunt International 2012
Nawa'y sa susunod na taon ay muling humataw ang mga ipapadala ng bansa sa mga kompetisyon tulad ng mga ito.
6. Mga panukalang batas na naging mainit sa mata ng lipunan
*RA 101-75:Cybercrime Law
Ito ang batas na mariing tinututulan ng mas nakararami sa ating lipunan. Paano ba naman ayon sa kanila ay nasusupress daw ang ating karapatan sa malayang paghahayag ng ating mga opinion, hinaing at iba pa. Isa sa mga nilalaman ng batas nito ang pagbabawal sa cybersex, website hacking at iba pa. Ngunit uminit ang ulo ng madla ng isingit sa batas nito ang "E-libel" na nagpoprotekta sa mga taong naaapi sa mga social media at mga blogging sites at marami pang iba. Dahil dito, bawal na ang haters, bawal ang cyber bullying. Kasalukuyang epektibo ang TRO laban sa batas na ito.
*RH Bill
Isa sa mga pinagdebatehan sa kamara, sa simbahan at sa iba pang lugar ang panukalang batas na ito. Bagamat mukhang lagda na lang ng pangulo ag kulang para ito ay maging isa nang ganap na batas dahil pasado na ito sa mga readings na isinagawa sa kamara, marami pa ring mga pabor at kontra dito.. Mariing tinututulan ito ng simbahan. Bagamat ang opinyon ng simbahan ay suportado ng ilang mga mambabatas, mas marami pa rin ang mga pabor dito, na nagsasabing maaaring isa ito sa maaaring maging isa sa mga solusyon sa kahirapan, tag-gutom, lalong lalo na ang mga hindi inaasahang pagbubuntis ng mga kabataang babae.
5. Ang magkasunod na pagkatalo ni Pacquiao sa boxing
*Pacquiao vs. Bradley Fight
Ito ang unang laban ni Manny ngayong taon. Bagamat hindi niya napatumba ang kalaban, na umabot pa sa split decision, Si Timothy Bradley Jr. ang ipinanalo ng dalawang hurado sa nasabing laban. Ngunit alam ng buong mundo na nahirapan si Bradley kay Pacman, at si Pacman ang dapat na nagwagi sa laban na ito. Ni-review ulit ang laban nila ng mga komite sa WBO at idineklarang si Pacman ang dapat na nanalo; ngunit ang nakakalungkot na parte nito ay hindi niya maaaring mabawi ang championship belt mula kay Bradley, pero sa kabilang banda ay maluwag na tinanggap ni Manny ang decision ng mga hurado.
*Pacquiao vs. Marquez 4
Matapos ng isang "kaduda-dudang" resulta ng laban nung isang taon na nagpanalo kay Pacquiao, muli silang nagharap ni El Dinamita sa ika-apat na pagkakataon upang tuldukan ang mga debate na kung sino talaga ang nanalo sa mga nakaraang laban nila. Ngunit sa huling segundo ng Round 6, napatumba ni Marquez si Manny sa sinasabi ng nakararami na "Lucky Punch" nito. Ngunit pagkatapos ng muli niyang pagkatalo, mas minahal pa siya ng kanyang mga tagahanga at ang sambayanang Pilipino. Maraming nag-alala sa kanyang kalagayan dahil sa mga common na sakit na kinahahantungan ng mga boksingero.
Marahil hindi ito ang maswerteng taon para kay Manny dahil sa magkasunod na pagkatalo nito. Naging usap usapan tuloy kung dapat na ba siyang mag-retiro sa kanyang paboritong sports, ang sports na nagluklok sa kanya sa maraming tagumpay. Ang maganda namang makikita natin sa mga pangyayaring ito ay ang maluwag na pagtanggap niya sa mga pagkatalong ito, at ang mas lalo pang pagiging malapit niya sa Panginoon.. Iba ka Manny! Saludo kaming lahat sa iyo! Idol! :)
4. Ang pagpanaw ng mga prominenteng tao sa Showbiz, Politics at iba pa.
* DILG Secretary Jesse Robredo
Isang masamang balita ang minsan ay bumungad sa sambayanan na ang isang eroplano ay nag-plane crash sa Masbate; ang lulan ng nasabing eroplano ay sina dating DILG Secretary Jesse Robredo at tatlo pang kasama nito. Isa lamang ang nakaligtas sa nasabing pag-crash. Ipinagmamalaki siya ng kanyang mga kababayan bilang isang bayani, larawan ng isang Magaling at patas na Lider kaya naman ayon sa kanyang mga kasamahan sa trabaho, siya ay malaking kawalan sa gobyerno sa mga panahong ito.
*Comedy King Dolphy Quizon
Labis na nalungkot ang Industriya ng Showbiz at mga taga hanga na ilang dekada ring pinatawa ng nag-iisang hari ng komedya na si Mang Dolphy Quizon. Isang haligi ng showbiz industry ang namaalam ngayong taon at lahat ng kanyang iniwan na pamilya at mga tagahanga ay nagluksa sa kanyang paglisan. Kilala si Mang Dolphy sa kanyang mga papel na ginampanan sa telebisyon at pelikula bilang si John Puruntong at Kevin Cosme.
Ilan pa sa mga namaalam ngayong taon ay ang tatlong mga batikang direktor na sina Mario O'Hara, Marilou Diaz Abaya at Celso Ad Castillo na nag-direct ng maraming mga pamosong pelikula. Malaking kawalan din sa larangan ng musika ang pagpanaw ng isa sa mga rock legends na si Karl Roy at ng dalawang International Singers na sina Donna Summer at Whitney Houston. Ang kanilang mga awitin ay mananatili sa puso ng mga mahihilig sa musika lalo na ng mga mahihilig umawit.
3. Mga Kantang pumatok ngayong taon
Marami ang mga awitin ang inilunsad ngayon, ang iba ay bumida sa mga hit charts at kumita sa mga music stores. Pero may ilang mga awitin na sadyang tumatak sa puso't isipan ng masa.
* Call me maybe
Ito ay awitin ni Carly Rae Jepsen, isa sa mga naging finalist ng Canadian Idol. Ang kwento sa music video na ito ay tungkol sa isang babae na labis na humahanga sa isang gwapo, makisig at matipunong lalaki na kanyang kapitbahay, ngunit sa bandang dulo ay nalaman niya na nahuhumaling din ito sa kapwa lalaki. Dahil sa ganda ng lyrics at melody ng kantang ito, madali itong tumatak sa madla. May mga lumikha ng sariling cover ng kantang ito, sila man ang mismong kumakanta,lip sync or talagang nagkakatuwaan lang.
*Gangnam Style
Ito ay pinasikat ng pamosong rapper ng Korea na si Psy. Bagamat hindi natin maunawaan ang nilalahad sa kantang ito, ito raw ay ang paglalarawan ni Psy sa lifestyle ng mga koreanong nakatira sa Gangnam City. Pumatok din ito sa madla hindi lang sa Korea, sa Pilipinas at sa buong mundo. Pumangalawa pa ito sa Billboard Charts at sadyang madali lang matutunan ang dance steps nito kaya patok din sa lahat, bata, matanda may ngipin o wala. Ang Music Video nito sa Youtube ay pumalo na sa mahigit 1 billion views at tinalo na ang music video ni Justin Bieber na Baby na nasa higit walong daang milyong views.
2. Mga Videos na kumalat at pinagpiyestahan sa social media (Viral Videos)
*Ang bata na hindi matanggap ang pagkatalo ni Jessica Sanchez sa American Idol
Pinangalanan ang batang si Laney nasa 5 or 6 years old, ang bata na bida sa isang video na umiiyak dahil sa pagkatalo ni Jessica Sanchez. Matapos hirangin si Phillip Phillips bilang ikalabing isang winner ng American Idol, isang video ang lumabas na tampok ang batang si Laney na umiiyak dahil hindi niya matanggap ang pagkatalo ng kanyang idolong si Jessica Sanchez. Ayon pa sa video ay nais pa nitong tumawag sa himpilan ng show at magprotesta dahil hindi nanalo ang kanyang idolo.
*Random Girl
Isang video na kuha ni Yuan Juan ang mabilis na kumalat sa ibat ibang websites at social media sa internet. Laman ng video na ito ang isang babae na kumakanta sa isang videoke sa loob ng isang mall. Lahat marahil ay humanga ngunit nagtataka kung sino ang nasa likod ng napakagandang boses na umawit ng pamosong awitin ni Jennifer Holiday na "And I'm telling you I'm not Goin'". Kinilala ang babae sa video na si Zendee Rose Tenerefe na tubong Gen. Santos City. Ayon sa kanya, hindi niya inaakalang may kumukuha sa kanya ng video habang kumakanta. Dahil sa pagkalat ng kanyang video, dumating ang hindi niya inaasahang big break niya sa music industry. Nagkaroon siya ng mga tv guesting, tv commercial at tv guesting sa ibang bansa at may hawak ng isang recording contract.
*AMALAYER
Ang video na ito ay tungkol sa isang galit na estudyante na sinita ng isang lady guard sa isang LRT Station. Tampok sa video na ito ang isang estudyanteng si Paula Salvosa at isang Lady Guard sa isang istasyon ng LRT. Mabilis ding kumalat ang video sa iba't ibang social media at naging mainit ito sa mata ng mga netizens. Umani ng maraming negatibong komento ang putol na video na ito lalo na si Paula, ang estudyanteng nasa video.. Ngunit makalipas lamang ng ilang linggo, ginawa na lamang itong katuwaan hango sa isang phrase na paulit ulit na binanggit sa video, "I'm a liar" ni pinagdugtong sa isang salitang "AMALAYER". May ibang gumawa ng sariling version ng videong ito, ang iba naman ay nilagyan ng tono at ginawang awitin.
1. Ang Pamamayagpag ng Karera ni Jessica Sanchez sa American Idol
Simula nang may Fil-Am na nakapasok sa mga naunang season ng Singing Search na American Idol sa katauhan nila Camille Velasco at Jasmine Trias, inabangan na natin ang bawat season kung may Fil-Am na makakapasok sa nasabing palabas. Hindi nga tayo nabigo, dahil naulit ang pag pasok ng isang Pinoy sa Top 12 noong season 7, Si Ramiele Malubay na maaga ring naeliminate sa show. Nasundan pa ito noong season 10, si Thia Megia na hindi rin nagtagal ang karera sa nasabing palabas. At nitong huli, isang Filipino-Mexican-American ang namayagpag sa season 11 ng American Idol. Si Jessica Sanchez.
Audition pa lang ay hindi siya nagpahuli sa libo libong nangarap na maging American Idol. Nakapasa din siya sa bawat cut na ginawa sa Hollywood week, hanggang sa marating niya ang pinaglalabanang top 13. Patuloy niyang pinahanga ang mga judges sa sa bawat linggo na pagpapamalas ng galing sa pagkanta.
Dumating ang linggong hindi inaasahan ng lahat, ang muntikang pagkakatanggal sa kanya sa American Idol. Kasama si Joshua Ledet at Elise Testone, sila ang napunta sa Bottom 3. Kahit mismong mga Judges ay hindi inaasahan na siya ang makakakuha ng pinakamababang boto nung linggong iyon. Kaya ginamit na ng mga judges ang kanilang 1-time judges' save vote. Hindi naman sila nagkamali sa kanilang desisiyon dahil nagtuloy tuloy ang pamamayagpag ng karera ni Jessica sa American Idol. Hindi na siya muling nalagay sa alanganin hanggang sa tanghaling isa sa mga lalaban sa top 2 para sa titulong American Idol kasama si Phillip Phillips.
Naging gitgitan ang labanan nila Jessica at Phillip noong Finale, dahil naging hati ang opinyon ng mga judges bawat round ng kompetisyon. Ang Round 1 ay nakuha ni Jessica Sanchez. Lahat ng Hurado ay nag-agree na mas magaling siya sa unang round.
Sa Round 2, naging hati ang opinion ng mga hurado; para sa kanila ay patas ang laban nila Jessica at Phillip sa round na iyon. At sa round 3/ final Round na ang kakantahin nila ay ang magiging carrier single nila kung sakaling sila ang tanghaling panalo. Home ang kinanta ni Phillip Phillips, samantalang Change Nothing naman ang kay Jessica Sanchez. Sa huling round, lahat ng judges ay nagkasundo na medyo lumamang si Phillip kay Jessica at medyo nakulangan sila sa kanyang performance. Sa huli, itinanghal na winner si Phillip Phillips at Runner-up si Jessica Sanchez.
Naging hati ang opinion ng mga fans pagkatapos ng finale. May mga natuwa sa pagkapanalo ni Phillip ngunit may iba na sa tingin nila ay si Jessica Sanchez dapat ang nanalo, at doon na nagsimula ang pagbansag sa kanya ng "World Idol" dahil minahal siya ng mga fans saan mang sulok ng mundo. Inabangan din siya ng mga Pinoy fans kasama ng kanyang finalist sa kanilang Idol Tour na dumaan dito sa bansa.
Ito ang sa tingin kong number 1 na nagtrending ngayong taon, dahil halos kalahating taon ding umere ang American Idol sa TV, at dahil sa galing niya ay halos maabot na niya ang titulong American Idol, at syempre, ang tour nila na inabangan dito sa bansa.
kung sa tingin niyo na may iba pang moments, events or issue na nagtrend ngayong taon, pwedeng pwede ninyong ilagay sa comment box sa ibaba ng entry na ito. Maraming salamat sa pagsama sa akin sa pagreminisce ng mga moments na nagtrending ngayong taon. Advance Happy New Year sa ating Lahat! :)
It's my all-new blogsite with contents of everything about me and everything under the sun...

Showing posts with label Jessica Sanchez. Show all posts
Showing posts with label Jessica Sanchez. Show all posts
Friday, December 28, 2012
Thursday, December 27, 2012
Top 10 songs I played and has been my favorite this year
Hello Everybody! I am going to share to you the list of my favorite songs I played the most this year. So let the countdown begin.
10. Change Nothing by Jessica Sanchez
9. We Are Young by Fun ft. Janelle Monae
8. Domino by Jessie J.
7. Goin' in by Jennifer Lopez ft. Flo Rida
6. Payphone by Maroon 5
5. You Da One by Rihanna
4. Glad You Came by The Wanted
3. Brokenhearted by Karmin
2.A. Good Time by The Owl City ft. Carly Rae Jepsen
2.B. Stronger by Kelly Clarkson
1. Chasing the Sun by The Wanted
Do you have the same list as mine? Or do you have a different list? if you do, you can put it on the comment section, below this post. Thank you for the music.. Until next year!!! More Music to Come! :)
10. Change Nothing by Jessica Sanchez
9. We Are Young by Fun ft. Janelle Monae
8. Domino by Jessie J.
7. Goin' in by Jennifer Lopez ft. Flo Rida
6. Payphone by Maroon 5
5. You Da One by Rihanna
4. Glad You Came by The Wanted
3. Brokenhearted by Karmin
2.A. Good Time by The Owl City ft. Carly Rae Jepsen
2.B. Stronger by Kelly Clarkson
1. Chasing the Sun by The Wanted
Do you have the same list as mine? Or do you have a different list? if you do, you can put it on the comment section, below this post. Thank you for the music.. Until next year!!! More Music to Come! :)
Labels:
Carly Rae Jepsen,
Countdown,
Flo Rida,
Fun,
Janelle Monae,
Jennifer Lopez,
Jessica Sanchez,
Jessie J.,
Karmin,
Kelly Clarkson,
Maroon 5,
Music,
Owl City,
Rihanna,
The Wanted,
Top 10
Saturday, June 9, 2012
American Idol: Through the years...
American Idol is a successful singing talent search created by Simon Fuller that gives the american citizens the opportunity to showcase their talent in singing/performing. It has started last 2002, and recently, the 11th season has just concluded. I am an idol fanatic but I was not able to start watching the show from the very 1st season, maybe because it was not yet introduced in any local channels here in the Philippines before, but somehow I am familiar with the songs released and sometimes I am amazed if that song and singer was a product of the said show. since from the very beginning, Ryan Seacrest was the host of American idol, the one who announces the good and bad news every results show and the finale.
The Judges
Their job was to select the Idol hopefuls from the auditions and trim them down to 24 who will start to gain the votes of the nation. But in the earlier seasons, I think they selected more than 24. After selecting 24 idols, the decision now goes to the voting public, until it reaches the Top 12, one by one will get eliminated as the idol gets the lowest number of votes, up to naming the season's winner. The only job of the judges by that time was to give positive comments and constructive criticisms that may affect the votes that comes from the viewing public.
Randy Jackson
I may say he was the veteran among the past and present idol judges because he was already an Idol judge from season 1 up to the present. Known for giving a not-so-harsh comment if he didn't like the performance of an idol or standing ovation if he likes a performance, known for his different famous lines such as "for-you-for-me" or "for-me-for-you", and lately "you can sing the phonebook".
Paula Abdul
A popular singer of her generation, and known to be the most kind, most gentle among the past and present idol judges. During the auditions, if she doesn't like a performance from an idol hopeful, instead of saying "NO", she just escapes the decision and says "i have to pass" and leaves the decision to the remaining judges, even though the two judges will definitely say "NO". She seldom gives negative comments or constructive criticism to a performance, maybe she always looks at the brighter side of every performance. Paula served as an idol judge from season 1 to season 8.
Simon Cowell
The Judge that is well-known for giving his fearless comments be it negative or positive to every performance, and doesn't care if he is being "booed" by the fans of the idol, according to some trivias, he is the idol judge that can't sing but has fine hearing ability perfect to judge a performance. Simon has been an Idol judge from season 1 up to season 9 and became a judge on x-factor.
Kara DioGuardi
Addition to the idol judge was a singer-songwriter, record producer, music publisher and a tv personality, Kara DioGuardi who served as an idol judge from season 8 to 9. Remembered for her showdown to a bikini idol hopeful Katrina Darell with their rendition of vision of love by Mariah Carey. Also known for sweetening a bad news by saying "sweetie" to an idol hopeful who lacks something in his/her performance on the audition according to a vtr tribute to her in one of the idol finale show. She got married a year after not renewing her contract as judge on american idol.
Ellen DeGeneres
Another addition to the idol judges was Ellen DeGeneres, a TV host, a stand-up comedian and an actress. She replaced Paula Abdul on the 9th season of american idol. Her role as a judge started during the beginning of the hollywood week. after judging for the said season, she also departed from the show.
Jennifer Lopez
Jennifer Lopez was one of the Idol Judge replacement after Ellen and Kara's exit to the show. She started serving as idol judge last season 10 and currently one of the judges in the recently concluded 11th season of the show. This judge was also known for giving a standing ovation every time there was a great performance from an idol. And also during her first year as judge on idol, her single "ON the floor" was released.
Steven Tyler
Together with JLo, he is also an idol judge replacing Ellen and Kara. Popularly known as the lead vocalist of the band Aerosmith. He started as judge on american idol last season 10 and currently one of the judges in the recently concluded 11th season of the show. He is also one of the judges who was known for giving a standing o, for a deserving performance, and also gives his fearless negative comments whether he doesn't like a specific performance.
The Judges' Save Vote
This was the Power of the Judges to save an idol from elimination, if the idol doesn't deserved to be eliminated. This was used only once through out the season and only valid until top 5. Once it has been used, 2 idols will be eliminated the following week. Mechanics: After Announced as being eliminated, An idol will be given a chance to sing once again and that's the time that the judges will decide whether to save the idol or not, and it should be unanimous. This power has started last Season 8, and so far, there are 4 successful recipient of the save vote, and they are:
Matt Giraud
He was the first Idol to receive the Save Vote from the judges after his elimination during Season 8's Top 7 results show, singing Have you ever really loved a woman? by Bryan Adams. The following week after being saved by the judges, Lil Rounds and Anoop Desai has been eliminated. Giraud was then eliminated during the Top 5 results show.
Michael Lynche
He was the second Idol to receive this save vote from the judges after his elimination during Season 9's Top 9 results show, singing Eleanor Rigby by the Beatles. The following week after being saved by the judges, Andrew Garcia and Katie Stevens has been eliminates. Lynche was then eliminated during the Top 4 results show.
Casey Abrams
He was the third Idol to receive this save power from the judges after his elimination during Season 10's Top 11 results show, singing I heard it through the Grapevine by Marvin Gaye. The following week after being saved by the judges, Naima Adedapo and Thia Megia has been eliminated. Abrams lasted until Top 6 and was then eliminated.
Jessica Sanchez
She was the fourth Idol to receive the save vote from the judges after her elimination during Season 11's Top 7 results show singing Stuttering by Jazmine Sullivan. She was the first female recipient of the save vote and so far the most successful recipient of the save vote from the judges as she reaches the top 2 and battled at the finale with Phillip Phillips. She was announced the Runner-up of the season. following her elimination and saved by the judges, only Colton Dixon was eliminated the following week.
The Season Winners
Each season, there can only be 1 American Idol, and these are the music icons who successfully won the votes of America from season 1 to 11.
Season 1: Kelly Clarkson
She was the very first winner of American idol and one of the most successful Idols after the contests for having several number of songs that became popular especially her winning piece A moment like this. Justin Guarini was declared her runner-up.
Season 2: Ruben Studdard
The 2nd winner of the show with his winning piece Flying without wings by westlife. One of his single was also used as an idol farewell song. Clay Aiken was his runner-up.
Season 3: Fantasia Barrino
The winner of the 3rd season of American idol, with her winning piece I believe originally composed by Tamyra Gray. This was the season that started American Idol to become popular in the Philippines since the entry of 2 Filipina-American into the top 12, namely Camille Velasco who was eliminated in the earlier part of the competition and Jasmine Trias who almost reached the finale and ended up in 3rd place. Diana Degarmo was declared her runner-up.
Season 4: Carrie Underwood
The 4th winner of the American Idol, a country singer with her winning song Inside your heaven. Jesus take the wheel was one of her popular songs. She took home several awards from Grammy. Bo Bice was declared her runner-up.
Season 5: Taylor Hicks
The 5th winner of American Idol and the 2nd Guy winner, after Ruben Studdard last season 2 after defeating his runner-up Katherine McPhee with his winning piece and first single Do I make you proud.
Season 6: Jordin Sparks
The 6th Idol winner, the 4th and so far the last female winner of American Idol. Became popular with some of her songs Tattoo, One Step at a time and No Air (Duet with Chris Brown). Her winning song was This is my now. Blake Lewis was declared her Runner-up.
Season 7: David Cook
The 7th winner and the 1st Rock star winner of American Idol. The beginning of continuous Male idol winners and the reign of what they so-called WGWG or "White Guy with a Guitar" starts from him. This season Became popular in the country due to the entry of another Filipino-American into the top 12, Ramiele Malubay even though she was eliminated in the earlier part of the competition. Another Filipino named Renaldo Lapuz auditioned the same season with his original composition We're Brothers Forever which is according to him it was dedicated to Simon Cowell. In the Middle part of the season, Cook's remake of the song Always be my baby by Mariah Carey became popular and played in different radio stations. His runner-up David Archuleta also became popular after this season.
Season 8: Kris Allen
He was the 8th season winner, after defeating his runner-up rock star Adam Lambert wherein both battled not just for the title but for their first single, the winning piece No Boundaries. some of his songs entered the billboard charts such as Live like were dying.
Season 9: Lee Dewyze
A folk/indie singer was this season's winner after defeating his runner-up Crystal Bowersox with his winning song Beautiful Day. in July 2012, his album entitled Live it up was then released with his single Live it up.
Season 10: Scotty McCreery
A Male country singer was this season's winner, the 6th male idol winner after winning against Lauren Alaina, his runner-up with his winning song I love you this big. Another song of him entitled Please Remember Me was used as an idol farewell song in the recently concluded American Idol Season 11. Another Filipino-American made it to the top 12 (Thia Megia) but was eliminated in the earlier part of the show with fellow contestant Naima.
Season 11: Phillip Phillips
He was the latest winner of American Idol after winning against his runner-up, Jessica Sanchez, with his winning song Home. This was another season that became popular not just in the US and Philippines but also worldwide, as they opened the Online-voting wherein fans from different parts of the world can vote for their favorite Idol through online on their website. It was the first season that Filipino-Mexican-American made it to the finale. Some people said that Jessica should have been the winner. They were both great and deserved to be in the finale. If they just allowed a tie..haha just kidding. :)
Who really should have won? (for me): My Personal Bets every Season
Personally, I was not able to watch the show from the very beginning since that time, it was also the reign of different singing contests, talent search and reality shows on television but I was able to hear some of the vocals from season 1 up to present. Here are my personal bets every season. PS. please allow me to have ties for every season :)if I have more than 1 favorites in every season, let's all admit, American Idol is a great show with great talents, great vocals and great performances.
Season 1
Kelly Clarson
Justin Guarini
Tamyra Gray
Season 2
Clay Aiken
Season 3
Fantasia Barrino
Jasmine Trias
Jennifer Hudson
Season 4
Carrie Underwood
Season 5
Elliott Yamin
Katherine McPhee
Chris Daughtry
Season 6
Melinda Doolittle
Season 7
David Cook
David Archuleta
Syesha Mercado
Brooke White
Season 8
Kris Allen
Allison Iraheta
Danny Gokey
Season 9
Crystal Bowersox
Season 10
Pia Toscano
Lauren Alaina
Season 11
Jessica Sanchez
Phillip Phillips
Skylar Laine
So, that's it, those were some of my thoughts and a lil knowledge about the show.. thanks for reading this blog post of mine. No copyright infringement intended, photos courtesy of various websites from the internet.. Have a good day! :)
Subscribe to:
Posts (Atom)
Our Arayat Duty
This picture was taken at Dr. Emigdio C. Cruz Sr. Memorial Hospital at San Agustin, Arayat, Pampanga last August 23, 2009 while the members of Group 8a were conducting their OR/DR duty on the said institution.