Kamusta ang lahat? Mabuhay! Ayan, eto ang kaunaunahang blog entry ko na naka-tagalog, ay, may english din pala kahit kaunti, so taglish na lang I guess, right? kasi naman, nauubusan na ako ng english words..haha joke lang, for a reason na I've made this entry in taglish form hindi para mas maraming makaunawa sa laman ng post ko, kundi para pareparehas tayong magkaintindihan.. hehehe tama ba?
Dito sa aking entry na ito, samahan niyo akong alalahanin ang mga bagay na pinagdaanan natin bilang batang 90's. Isa ka ba sa mga tulad namin? kung ganun, tara na at balikan natin ang lahat lahat tungkol sa ating kabataan. Gumawa akong shortlist ng ilan sa mga naexperience natin nung 90's kaya, happy reading na lang and sana after ninyong mabasa itong post ko ay may ngiti sa inyong mga labi matapos balikan ang mga bagay na ito.. so tara, simulan na natin to.
1. ID Beads
Ginawa mo rin ba ito nung elementary ka pa? Sigurado ako, isa ka sa nakipagpaligsahan sa mga kaklase mo sa paramihan ng beads na mailalagay sa sabitan ng id mo. Sa dami ng beads na naisuot mo sa sling ng ID mo, halos hindi mo na maisuot ito, or kung maiisuot mo pa ito, aabot na sa leeg mo ang dami ng beads na nasa id sling mo. The more, the merrier ika nga, kaya kung ikaw ang may pinakamaraming id beads, ikaw na alng panalo, at sikat ka sa classroom niyo. :)
2. Macarena Dance Craze
Isa pang kasiguruhan na kabilang ka sa henerasyon ng mga batang 90's ay sumayaw ka ng MACARENA. Nung mga panahong ding iyon, uso talaga itong sayaw na ito sa mga party,libreng sayawan sa barrio bago ang kasal kinabukasan, mga dance numbers, kahit sa loob at labas ng bahay, wala kang pakialam sa mga tao sa paligid mo, at kahit hindi mo naiintindihan ang lyrics ng kantang iyon, ang mahalaga, sumayaw ka ng macarena. Eh ngayon, kabisado mo pa ba yung dance step ng Macarena?
3. Ang TV Na!
Bago pa ang goin' bulilit, Ang TV muna ang umere sa telebisyon noong 90's. Isa rin itong kiddie oriented na gag show para sa mga 90's kids tulad natin. Siyempre, mga Artista na batang 90's din ang bumida sa palabas na iyon na ngayon ay grown up na at ang iba ay may anak na rin ngayon. Pagpatak ng alas kwatro y media or 4:30 pm, iisa lang ang sigaw ng madlang 90's kids, "4:30 na! Ang TV na!" sabay tugtog ng "doowadee dididi dum dibidoo..".
4. Magandang Gabi Bayan Halloween Special
Inaabangan mo ito tuwing sasapit ang undas, kahit alam mong hindi ka nito patutulugin pagsapit ng gabi..hahaha nakakatawang isipin, na ako man ay isa rin sa mga tinakot nitong palabas na to. magtatalukbong ka ng kumot o di kaya, magtatago sa ilalim ng lamesa kapag pinakita na ang mga black lady na nangangalampag ng pinto, mga lumulutang na kabaong, kapre, pati iba pang multo na nakikipag face-to-face pa sa harapan ng tv screen para lalo kang matakot. matapos mong mapanood ang halloween special ng MGB, madadagdagan pa ang listahan mo ng mga bagay na kitatatakutan mo kasama ng mga hayop at insektong kinatatakutan mo rin.
5. Pritos Ring
Oh, nangingiti ka na ba dyan sa kinauupuan mo? guilty ka kasi sa chichiryang ito. Kasya pa yan sa bawat daliri mo nung bata ka. Bawat daliri mo, sisiguruhin mong may pritos ring na nakalagay at saka mo kakainin isa isa..
6. Cartoons
Mawawala ba naman sa ating mga batang 90's ang pagkahumaling sa cartoons? Siyempre isa yan sa hindi natin palalagpasin pag nakatutok na sa tv, bago or pagkatapos gumawa ng assignment or bago pumasok sa school (kung morning slot ang cartoons). Bagamat sikat din nung mga panahon na iyon ang Voltes 5 at Daimos, nung mga 80's pa talaga unang nagsimula yun. Sikat din ang Dragon ball at Zenki nung mga panahong iyon pero mas nag focus tayo sa mga cartoons na iisa ang bida o di kaya naman, pangalan ng bida ang mismong nasa pamagat. Magpapahuli ka ba naman sa mga theme songs ng palabas tulad ng sa Heidi at Remy? madadala ka rin sa istorya ng mga royalties na sila Sarah ang munting Prinsesa at Cedie ang munting Prinsipe. Eh ang mga Pangarap ni Romeo at si Kaibigang Tom Sawyer naaalala mo pa ba? Maraming cartoons noong 90's pero ilan talaga yang sa mga sinubaybayan natin nung tayo ay mga bata pa.
7. Teks
"CHA!" "CHUB!", "AKIN!!"... Oh, naalala mo ba yan? Yan ang mga magic words sa larong teks. Malalaki pa ang teks noong 90's; mas malaki sa karaniwang teks na nakikita natin sa ngayon, pero mas maliit ng kaunti sa mga digimon cards. Pwede itong laruin ng dalawahan at may isa sa inyong magkalaban ang gagamit ng dalawang teks, ang isa ay pamato niya at ang isa naman ay "pananggulo"; pwede ring tatluhan para wala nang pananggulo at ang maganda doon, mas malaki ang kabig mo kung ikaw ang tumitira at pamato mo ang naiba (nag cha man or nag chub). Sa panahon ngayon, medyo nag-evolve na rin ang sistema sa paglalaro ng teks, may teks-apir, minsan ginagawa na ring sugal o teks-money na tinatawag.
8. Jolens
Isa pang laruang pambata na umusbong nung 90's.. Wala kang pakialam sa hirap ng paglalaba ng nanay mo sa damit mo dahil uuwi kang marumi o maputik ang damit pero di mo aalintanain yun basta makadapa ka at mai-shoot mo yung jolens mo sa ginawa mong butas sa lupa or matamaan ang jolens ng kalaban mo..
9. Piko at Chinese Garter
Piko at Chinese Garter.. Karaniwang larong pambabae, pero aminin, may mga batang lalaki na hindi rin nagpatalo sa mga larong ito. Sa Piko, kandirit dito, kandirit doon, and the quest begins sa agawan ng pwesto para sa kanya kanyang "Bahay". Sa Chinese Garter, bubuwelo ka ng pagkalayo at tatalunin mo kahit gaano kataas na ang garter. Nilaro mo rin ang 1 by 1 2 by 2 at ang 10-20-30-40.... Dito pumapasok ang rule na "Dead Mother, Dead All" na ibig sabihin, yung mother sa team siya ang pinakamagaling kaya sa kanya aasa ang the rest of the team, pero pwede namang malaro yung ibang kasali, pero kung di siya sigurado sa kakayahan niya, ipapasa niya sa mother yung buhay niya para tumagal sa laro.
10. Titanic at Godzilla
Hindi pa ganun katindi ang pagkahumaling sa mga pelikula ng mga batang 90's pero nang maipalabas sa mga sinehan ang dalawang naglalakihang pelikulang ito (Titanic at Godzilla), hindi ka nagpahuli sa mga kwentuhan sa klase at sa mga kalaro mo, kahit na di mo pa naappreciate yung love scene ni Jack at Rose, kasi kapag sinabing Titanic, yung paghati ng barko sa Ice Berg ang unang papasok sa isip mo. Pati na rin ang pagyanig ng buong mundo sa mga yabag ni Godzilla, tinutukan mo rin ang pagwasak niya ng mga kabahayan at gusali.
11. Power Rangers
Siguradong Batang 90's ka kung alam mo ang tv series na ito. Limang kulay, limang character, ginaya niyo yan sa laro niyo, may kanya kanya rin kayong kulay kesyo ako si blue ranger, ikaw si red ranger, siya naman si yellow ranger etc. at yung sosobra sa lima, sila na yung kalaban. Power Rangers fanatic ka ngang talaga kung alam mo yung names ng mga animals na nirerepresent ng bawat kulay.
12. At iba pa
Nilaro mo rin ang Legendary game na.....BAHAY BAHAYAN at LUTU-LUTUAN.. Kanya kanya kayo ng roles ng mga kalaro mo, may nanay, tatay at mga anak, kukuha pa kayo ng mga dahon sa halaman ng kapitbahay niyo para sa lutu-lutuan
Dinikdik niyo ang Bulaklak ng gumamela at hinalo sa sabon na may tubig para gawing palobo o yung bubbles.
Eto pa, Naniniwala kang dadami ang KISSES mo kapag nakalagay sa bulak at nakatago sa loob ng pencil case mo.
Ilan pa sa mga memories natin bilang 90's kids ang paglaro natin ng Mataya taya at Langit-lupa. Parehas itong mga habulan. sa Mataya taya kailangan mo lang tumaya ng isang kalaro at sila naman ang taya. Sa langit lupa naman, maghahabulan kayong lahat sa mas mababang sahig at magkakanya kanyang akyatan kayo sa mas mataas na patag at sisigaw ng "Langit!" para hindi ka na pag-initan ng taya. Sa parehas na laro pumapasok ang rule na "No-Balikbayan" oh ang privilege ng taya na, hindi na siya pwedeng tayain ng kalarong tinaya niya. Oh naalala mo na ba? Isa pang di mo malilimutan ay yung theme song or chant ng Langit Lupa..
Patok pa rin naman ang mga palarong pilipino na nilalaro natin nung 90's sa birthdays, fiesta at iba pa tulad ng Pukpok Palayok, Palo sebo at iba pa.
Oh, last batch na to..hehehe I'm sure, natikman mo ang MIKMIK milk and choco powder na tigpipiso. Natikman mo rin ang masarap na chichiryang Nano Nano at natuwa ka rin sa theme song ng Nano na chichirya.
Natuwa talaga akong gawin itong blog entry na ito kasi marami na rin akong nareceive na text at nabasa sa internet about reminiscing lots of memories bilang 90's kid. Sana kayo rin ay natuwa sa mga nabasa niyo ngayon habang inaalala ang lahat ng mga kasiyahan, kakulitan at katuwaan natin nung tayo ay mga bata pa. So Paano, hanggang dito na lang, until next time :)
PS. Hindi ko po pagmamay-ari ang mga larawan sa entry na ito kaya po Credits to the owners of the pictures and no copyright infringement intended.
feel free to leave your comments below or even share your own experiences bilang isa sa mga 90's kids. :)
No comments:
Post a Comment