Lahat naman siguro tayo ay nakaranas dumalo ng mga okasyon tulad ng Birthdays, Kasal, Binyag, Reunions at iba pa. Sa mga dinadaluhan nating mga okasyon, isa sa mga pinakaaabangan natin ay ang handaan. Tama ba? Karamihan sa mga okasyon ay halos parepareho lang ang handa, marahil kayo man ay napapansin ang mga bagay na iyon. Nagkakatalo na lang sa lasa na kung saan ay maikukumpara mo ang handa nila sa handa ninyo at sa handa pa ng iba.
Kaya ngayon samahan ninyo akong pangalanan ang ilan sa mga pagkain na madalas nating makita sa handaan, sabay sabay tayong magutom sa entry/post ko na ito ngunit huwag naman sanang maumay sa mga pagkaing kadalasan nating kinakain sa mga handaan.
1. Kanin
Hindi kumpleto ang handaan kung wala ang kanin, at hindi rin mas sasarap ang ulam kung walang kapares na kanin. Pero aminin ninyo, sa sobrang dami ng pagkain sa handaan at ang lahat ay gusto ninyong matikman, kaunti na lang ang kanin na kukuhanin mo or minsan hindi ka talaga kukuha ng kanin. Diet ka kuno ayaw mo ng carbs, pero kung makakuha ka naman ng ulam, ga-bundok sa dami..hehe biro lang.
2. Pansit/Pancit
Ito ang pinakapaboritong pasalubong sa pelikulang pilipino at mga palabas sa telebisyon, pero isa ito sa madalas mong makita at kainin sa mga handaan. Pinaniniwalaan din natin na hindi dapat ito nawawala sa handaan dahil sa pampahaba ng buhay effect daw ng nasabing pagkain. Maraming variety ang Pancit, may Bihon, Canton, Sotanghon, Pancit Malabon, Pancit Palabok at iba pa. Kapag masarap ang pagkakaluto ng pancit, hindi mo na masyadong mapapansin ang ibang hain sa mesa, kahit common ito sa handaan, isa ito sa madalas nating balik balikan.
3. Spaghetti
Isa rin sa pinaniniwalaang may pampahaba ng buhay effect ang Spaghetti, kaya naman laman din itong pagkain na ito sa karamihan ng mga handaan, pero mas madalas ay sa mga birthdays natin ito makikita lalo na sa children's party, alam niyo na, mas naaappreciate ng mga bata ang matatamis na pagkain. Pero marami na rin sa mga panahon ngayon ang variety ng spaghetti at mga pasta, may mga white sauce spaghetti na rin na tinatawag din Carbonara at marami pang iba na pasta dishes.
4. Fried Chicken
Ang pagkain na love na love ng all ages, bata, matanda may ngipin o wala. Naihahalintulad pa ito ng mga bata sa Chickenjoy ng Jollibee dahil fried chicken din naman iyon. Itong pagkain na to ang una nating nilalantakan kapag nasa handaan dahil sa sarap at sa lutong ng balat. Pwede pa sa kahit anong sawsawan gaya ng gravy, ketchup o kahit suka na may sili.
5. Menudo
Sa lahat ng mga pagkaing madalas nating makita sa handaan, marami sa inyo ang sasang-ayon na itong menudo na ito ang pinakamadalas nating makita sa handaan; hindi ko din maintindihan kung bakit nga ba laging menudo ang isa sa mga pagkaing napakadalas ihanda? Wala naman akong matandaang mga tradisyon na kailangan menudo ang hinahanda. Marahil masarap naman kasi ito at kahit sino ay mag-aagree na masarap naman talaga ito. At sa handaan, ito ang pinakamabilis maubos dahil sa paborito ng karamihan, at patok ding i-take out ng mga gustong magpabalot ng handa.
6. Chopsuey
Madalas din itong ihain sa mga handaan, pero ito yung isa sa pinakamatumal na galawin ng mga bisita. Aminin nating lahat, mas uunahin nating lahat ang mga potaheng mas dominant ang karne. Puro gulay kasi ang laman nitong pagkain na ito, iilan lang ang malalasahan mong karne dito plus yung itlog ng pugo sa ibang luto. Ngunit alam niyo ba na ang chopsuey ang may isa sa mga pinakamahal ang sahog na gulay? isa rin ito sa may pinaka masustansyang handa dahil puro nga gulay ang sangkap. Nauubos lang ito kapag ubos na ang ibang handa or kung napakasarap lalo ng pagkakaluto.
7. Litson/Lechon
Baboy man o Baka, ito ang isa Star ng handaan. Lahat ng bisita panigurado hindi ito palalampasin lalo na kung masarap din ang sarsa. Hanggat maaari hindi mo titigilan ang lutong ng balat at linamnam ng laman. Hinay hinay lang sa taba kasi bukod sa nakakaumay itong parte ng litson, siguradong highblood ang katapat mo kapag nasobrahan ka.
8. Lumpiang Shanghai
Mawawalan ba naman ng finger food sa handaan? Masarap ito lalo na kung kakahango lang sa lutuan. Ketchup lang ang katapat niyan at mainit na kain, solve na, makakailang rounds ka pa niyan.
Desserts
Matapos mong matikman lahat ng handang nakahain sa mesa, magpapahuli ka ba sa mga panghimagas? pati sa mga panghimagas may mga common din na nakikita sa handaan, well kahit anupaman yan isa sa mga purpose nyan ay pangontra ng umay. Ilan sa mga common desserts sa handaan ay Gelatin, Leche flan, Ice cream at salad. May pa-take out pa yan kapag nasarapan sila sa desserts, pwera lang siguro sa ice cream; alam niyo na, mabilis matunaw.
At dito na nagtatapos ang pagpapangalan natin sa mga pagkain na madalas nating makita at kainin sa mga handaan. Nagutom din ba kayo? Natakam din ba kayo? sana hindi naman kayo naumay..hahaha
Ang ibang larawan sa entry na ito ay hindi ko pagmamay-ari kaya po ulit, Credits to the owners of the pictures used here and no cpoyright infringement intended
No comments:
Post a Comment