Tuesday, November 20, 2012

Mga All-time favorite gifts na nireregalo tuwing Christmas Season.

Christmas is fast approaching. Ready na ba ang mga gifts niyo for your loved ones? Eh yung regalo niyo para sa akin ready na rin ba? hehehe so speaking of gifts, yan ang paguusapan natin ngayon dito sa next entry ko.


Basta kapag pumasok na ang Ber-months, nagsisimula nang mataranta ang sangkatauhan para sa mga bagay na ireregalo nila sa mga kamag-anak, inaanak, at sa ka-monito monita pagsapit ng Christmas Party. Kanya kanya na tayong sugod sa mga tiangge or sa mga bazaar na nagtitinda ng mga murang panregalo. Syempre medyo may kahirapan din ang buhay sa panahon natin ngayon kaya gagawin natin ang lahat para makamura sa mga bibilhin nating regalo. Christmas is the season for giving and sharing kaya hindi na mahalaga yung presyo ng ibibigay natin, what's important eh yung paano natin ito pinaghirapan and the appreciation from the receiver.


So ito ang ang ilan sa mga all-time favorite gifts we give and we receive during the yuletide season.


Picture Frame





Picture Frame, ito ang madalas iregalo sa mga exchange gifts sa mga Christmas Party sa school, sa work etc. Bukod sa mura, marahil ay wala na silang maisip na iregalo sa pagbibigyan nila. So Photo frame na lang.. ang problema ng receiver ngayon, anong litrato ang ilalagay niya? eh di na masyadong uso ang printed pictures, puro upload na lang sa mga social media.


Photo Album





Isa rin itong patok na ipanregalo. Dahil maganda naman kasi magkeep ng mga memories through photos so patok talaga itong panregalo; kaso gaya nung sa photo frame, hindi na masyadong uso ang mga printed photographs dahil panay na lang tayo upload ng mga pictures sa mga social media gaya ng facebook, instagram, twitter etc.. Minsan, doon na rin tayo nagkakaroon ng instant photo album.


Mugs





Ito ang isa sa mga pinakapatok na pinanreregalo natin tuwing pasko, paano ba naman, isa rin ito sa pinaka mura sa mga tiangge, kahit sa divisoria makakakuha ka ng 3 for 100, magaganda pa ang design, so ito ang pinakamadaling bilhin and at the same time, kung mug collector ka, dagdag din yan sa mga collections mo, hayaan mo na kung mura.hehehe


Laruan/Toys





Laruan. Ito ang isa sa mga inaabangan ng mga chikiting tuwing sasapit ang pasko, kasi ito ang madalas na natatanggap nila sa kamonito monita nila sa eskewla, pati na rin sa mga ninong at ninang nila. Ito rin ang nireregalo ng mga doubtful ninongs at ninangs.. Bakit doubtful?hehehe kasi kung cash ang ibibigay nila, walang assurance na sa bata mapupunta yon, ang iba ay diretso sa bulsa ng mga magulang. Sorry for the negative thought pero minsan nangyayari talaga yan; so instead of giving cash sa mga inaanak nila, laruan na lang ang binibigay nila, atleast mas maeenjoy pa nila ang mga ito ng matagal tagal.


Planner





Isa ka ba sa nakatanggap nitong mahiwagang regalong ito?hehehe Nagamit mo naman ba? hehehe Kung ikaw yung tao na gusto mo ay well-organized sa time and schedules mo, maaappreciate mo itong planner na ibibigay sa iyo. Eh kung hindi, for sure, maaalikabukan lang yan sa bahay niyo, baka kahit point ng tinta ng ballpen mo hindi pa masulatan yan..hehehe


Towel





Bakit kaya paborito rin ang towel na iregalo tuwing Pasko? Wala ba silang pamunas pagtapos maligo? uy uy uy hwag ganun, isa yan sa iiwasan natin pag nagbibigay or tumatanggap ng regalo, yung magbigay kahulugan sa mga regalo lalo na kung negatibo ang kahulugan. Back to the topic, madalas kasi sa mga exchange gifts natin ay laging worth 100 or 150. So Towel ang pumapasok agad sa isip ng mga mamimili dahil may mga towel na 3 for 100 din, or may isang piraso na towel na maganda ang design, worth 100 din, di ka pa makuntento, papaburdahan mo pa ng pangalan ng pagbibigyan mo...oh di ba? how sweet..hehehe


Figurines





Ito ang regalong siguradong dadagdag sa mga display sa inyong mga tahanan. Tulad ng sa mug, kung ikaw ay isang figurine lover or collector, you will appreciate someone who will give this as a present sa iyo regardless of the price kesyo mahal or mura. Eh may mabibili ka nga niyan sa tiangge ng below 50 pesos eh. May mga mamahalin din nito kaya nasa sa iyo na yun kung mahal o mura, kung mura, damihan mo na lang..hahaha


Stuffed Toys





Oh, hindi lang patok tuwing Valentines Day, Monthsary at Anniversaries ng mga couples ang gift na ito. Paborito rin itong iregalo tuwing pasko especially kung ang makatatanggap nito ay bata o babae I'm sure na karamihan sa kanila ay love na love na makareceive ng ganyang klaseng gift galing sa loved ones, friends etc.


Cash





Nahihirapan ka ba magisip ng ireregalo for Christmas? Edi Perahin mo na lang, ilagay mo sa Ang Pao. Ito ang isa sa inaabangan tuwing Pasko, eh sa hirap naman kasi ng buhay sa ngayon, maaaring mas marami sa atin ang gusto ay maging praktikal kaya mas prefer nila ang cash rather than material na gifts. Inaabangan din yan ng mga bata lalo na yung malulutong na paper bills, sigurado makikipagpaligsahan pa yan sa mga kalaro niya ng paramihan ng malulutong na perang napamaskuhan regardless nung amount or value ng bawat bill.


Ayan ang ilan lamang sa mga all-time favorite nating mga Pilipino na iregalo tuwing sasapit ang kapaskuhan. Gaya ng nasabi sa bandang unahan ng post na ito, hindi naman mahalaga ang presyo ng bawat regalo na ibinibigay at natatanggap natin. Ang mahalaga, ay yung halaga o value nito and yung appreciation ng bibigyan natin.


At ang higit sa lahat, hindi lang sa malalaki o maliliit, mura o mamahalin na regalo dapat madama ang essence ng Christmas, syempre it is the day that we are celebrating Jesus Christ's birth; yun ang kahalagahan ng Yuletide Season. God Bless everyone and Advance Merry Christmas :)


Ang mga larawan sa entry na ito ay hindi ko po personal na pagmamay-ari, kaya gaya ng madalas kong sinasabi at Credits to the owners of the pictures used here, and no copyright infringement intended

No comments:

Post a Comment

Our Arayat Duty

Our Arayat Duty
This picture was taken at Dr. Emigdio C. Cruz Sr. Memorial Hospital at San Agustin, Arayat, Pampanga last August 23, 2009 while the members of Group 8a were conducting their OR/DR duty on the said institution.